IATF: Alert Level 3 sa 28 pang lugar, ipinatupad

IATF: Alert Level 3 sa 28 pang lugar, ipinatupad

NADAGDAGAN na naman ang mga lugar na itinaas sa Alert Level 3 bunsod ng tumataas na kaso ng COVID-19.

Epektibo ang pagpapatupad ng Alert Level 3 sa 28 mga lugar sa Luzon, Visayas at Mindanao simula Enero 14, araw ng Biyernes hanggang Enero  31 ngayong taon.

Ito ay base sa inaprubahang IATF Resolution No. 156-C na inilabas kahapon, ng Enero 12.

Kasama sa mga lalawigan sa Luzon na isinailalim sa Alert Level 3 ay ang Benguet, Kalinga at Abra sa Cordillera Administrative Region; La Union, Ilocos Norte at Pangasinan sa Region 1; Nueva Vizcaya, Isabela at Quirino sa Region 2; Nueva Ecija at Tarlac sa Region 3; Quezon Province sa Region 4-A; Occidental Mindoro at Oriental Mindoro sa Region 4-B; at Camarines Sur at Albay sa Region 5 sa Luzon.

Sa Visayas naman, ang mga lugar na inilagay sa Alert Level 3 ay ang Bacolod City, Aklan, Capiz at Antique sa Region 6; Cebu City at Mandaue City sa Region 7; at Tacloban City sa Region 8.

Pagdating sa  Mindanao, isinailalim sa Alert Level 3 ang mga lugar na tulad ng Cagayan de Oro City sa Region 10; Davao City sa Region 11; Butuan City at Agusan del Sur sa CARAGA; at Cotabato City sa BARMM.

Samantalang mananatili naman sa kasalukuyang alert level status ang iba pang lalawigan at lungsod na hindi nabanggit

Noong Enero 6, itinaas na rin sa Alert Level 3 ang mga syudad at probinsiya tulad ng Baguio City (CAR), Dagupan City (Ilocos Region); lungsod ng Santiago at Cagayan (Cagayan Valley); Angeles City, Bataan, Olongapo City, Pampanga, at Zambales (Central Luzon); Batangas at Lucena City (CALABARZON); Naga City (Bicol); Iloilo City sa (Western Visayas); at Lapu-Lapu City (Central Visayas).

Nasa Alert Level 3 din ang National Capital Region (NCR) Plus, na binubuo ng Metro Manila at kalapit na mga probinsya gaya ng Bulacan, Cavite, Laguna, at Rizal.

Korte Suprema, ipinag-utos ang ‘physical closure’ sa mga korte na nasa ilalim ng alert level 3 areas

Ipinag-utos ng Supreme Court ang ‘physical closure’ sa mga korte na nasa lugar na isinailalim sa Alert Level 3.

Sinabi ni Chief Justice Alexander Gesmundo, ang naturang kautusan ay bunsod na rin ng patuloy na pag-akyat ng kaso ng COVID-19 dala ng Omicron variant.

Epektibo naman ito ngayong araw, Enero 13 hanggang sa katapusan ng buwan.

Patuloy naman ang paghahatid serbisyo ng mga korte sa pamamagitan ng kani kanilang hotlines, email addresses at Facebook accounts.

Sa ilalim din ng naturang direktiba, suspendido ang lahat ng in-court hearings.

Magpapatuloy naman ang  fully remote videoconferencing hearings on urgent matters, tulad ng inquests, bail hearings, promulgation of acquittals o dismissals, temporary o permanent protection order, habeas corpus suits, at kahalintulad na kaso at election-related cases.

Ngayon, araw ng Huwebes, ay magsasagawa ng pagpupulong ang IATF para pag-usapan ang magiging desisyon sa susunod na alert level system classification ng iba pang bahagi ng bansa kasama na rito ang National Capital Region na mapapaso ang umiiral na Alert Level 3 sa Enero 15.

Ang nakatakdang implementasyon ng bagong alert level ay para naman sa Enero 16 hanggang Enero 31.

Follow SMNI News on Twitter

Leave a Reply

Your email address will not be published.