IATF, may bagong resolutions para sa mga papasok ng bansa dahil sa bagong variant ng COVID-19

INIHAYAG ni Department of Health (DOH) Undersecretary Maria Rosario Vergeire ang bagong Inter-Agency Task Force (IATF) resolutions para sa mga overseas Filipinos na uuwi ng bansa.

“Kailangan pong mag-undergo ng test initially at the airport. And then, they have to quarantine. ‘Pag-labas po no’ng test na ginawang ‘yon, whatever the results would be. If they are positive, they are transferred to an isolation facility. If they are negative, they continue to do the quarantine,” pahayag ni Vergeire.

Paglilinaw ni Vergeire, sa ikalimang araw na quarantine, sasailalim muli sa pagsusuri ang mga pasahero at kapag nagpositibo sa COVID-19, ita-transfer ang mga ito sa isolation facility.

Ngunit ani Vergeire, ang mga pasahero na papauwiin na sa kani-kanilang lokal na pamahalaan ay sasailalim muli sa 14-day quarantine.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *