IATF rule, kadalasan ay isang malaking joke —Sen. Recto

IATF rule, kadalasan ay isang malaking joke —Sen. Recto

ISANG joke ani Senate President Pro Tempore Ralph Recto ang mga panuntunan ng Inter-Agency Task Force (IATF).

Ito ang naging reaksyon ng senador matapos i-lift ng IATF ang paggamit ng barrier sa mga motorsiklo.

Mabuti naman aniya at nagkaroon na ng common sense ang governing body.

Punto pa ng mambabatas na dapat noon pa ito napag-isapan ng IATF at hindi na aniya nila ipinilit pa.

Kasunod nito ay maraming tao na aniya ang nagsasabing kung hindi makaintindi ang IATF sa mga simpleng bagay, ay paano pa sila pagkakatiwalaan sa malalaking usapin.





Ani Recto, sinira lang din ng IATF ang kanilang reputasyon matapos nilang ipinilit ang paggamit ng barrier kamakailan sa kabila ng maraming pagkontra rito.

Samantala, iginiit ni Ako Bicol Partylist Alfredo Garbin na dapat magkaroon ng pakonsuelo ang pamahalaan para sa mga motoristang naperwisyo sa pagamit ng motorcycle barrier.

Mungkahi ni Garbin, ibawas na lamang ang gastos sa pagbili ng barrier sa LTO, LTFRB o sa MMDA kapalit ng libreng vehicle registration, driver’s license fee at traffic violation fines.

[tie_full_img][/tie_full_img]

Mungkahi din nito na i-convert na lamang ang gastos sa barriers sa grocery items sa ilalim ng DTI Diskwento Caravan.

Punto pa ng kongresista, maaaring ipagamit sa mga pulis at barangay tanod ang motorcycle barriers.

Puwede rin itong gamitin bilang stretchers para sa anomang medical emergencies.

Ani Garbin, hustisya ang kailangan dahil dapat mabawi ng motorcycle riders ang kanilang ginastos na pambili sana ng pagkain at gamot.

Samantala, welcome development naman kay ang Probinsyano Partylist Rep. Ronnie Ong ang hakbang ng IATF.

Sa kaniyang official FB page, pinasalamatan nito ang hakbang ng IATF dahil magdudulot lamang ng aksidente sa daan ang paglalagay ng barrier.

Isa naman si Ong sa mga aktibong kongresista na nananawagan sa IATF na bawiin ang nasabing kautusan.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.