Iba pang trabaho ng mga guro, babawasan – DepEd

Iba pang trabaho ng mga guro, babawasan – DepEd

INILAHAD ng Department of Education (DepEd) na maglalabas ang Bureau of Human Resource and Organizational Development-Organization Effectiveness Division ng polisiya hinggil sa working hours ng mga guro.

Ayon kay DepEd spokesperson Michael Poa na maglalabas sila ng isang workload balancing tool upang matugunan ang isyu sa sobrang trabaho ng mga guro.

Aminado ang DepEd na may kakulangan ng mga guro.

Kaya binigyang-diin ni Poa ang paghihire ng 10 libong guro sa taong 2023.

Ito ay para matugunan ang sobra-sobrang oras ng pagtuturo ng mga guro.

Dagdag pa ni Poa, babawasan din ang mga admin task o paper works ng mga guro at ibibigay na lamang ito sa non-teaching personnel.

Maliban pa rito, babawasan na ang mga aktibidad sa mga paaralan upang matutukan ng mga guro ang kanilang pagtuturo.

Hindi na rin ire-require ang mga guro na lumahok sa mga aktibidad ng DepEd Central Office at mga LGU.

Follow SMNI NEWS in Twitter