Iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan, ipinadama ang tunay na diwa ng Pasko sa mga dating CTG sa Isabela

Iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan, ipinadama ang tunay na diwa ng Pasko sa mga dating CTG sa Isabela

MAHIGIT 20 pamilya ng mga dating miyembro ng communist terrorist group (CTG) mula sa Bagong Pag-asa Village, Brgy. Minanga, San Mariano sa lalawigan ng Isabela ang lumahok sa isinagawang outreach program ng 95th Infantry Battalion (IB).

Katuwang ng kasundaluhan sa nabanggit na aktibidad ang iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan gaya ng NICA-Region 2, NCIP, kasundaluhan ng 5ID, LGU-San Mariano, PNP, MayBank at ang punong barangay ng Minanga.

Layon ng nasabing hakbang na ipadama sa mga dating rebelde ang tunay na diwa ng Pasko kaya naman isang feeding activity at binigyan ng iba’t ibang regalo ang bawat pamilya ng mga dating rebelde sa nabanggit na lugar.

Ayon kay Lt. Col. Vladimir Gracilla, Commanding Officer ng 95IB, na tuluy-tuloy nilang gagawin ang nasabing programa upang mabigyan ng pansin ang mga hinaing ng mga dating nilinlang ng komunistang teroristang CPP-NPA-NDF.

Umaasa rin ang opisyal na sa pamamagitan ng naturang hakbang ay magtutuloy-tuloy ang kapayapaan na natatamasa ng mga mamamayan ng San Mariano.

Matatandaan na naideklara nang insurgency-free municipality ang San Mariano ngayong 2023.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter