Iba’t-ibang anomalya sa PhilHealth, ibinunyag sa pagdinig sa Senado

Iba’t-ibang anomalya sa PhilHealth, ibinunyag sa pagdinig sa Senado

Woodprofit

IBINUNYAG ni Senator Panfilo Ping Lacson na bilyon-bilyong pisong halaga ng pera ang hindi nagamit ng tama ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) sa mahaba nang panahon.

Ito ay habang ginagawa ng Senate Committe of the Whole ang pagdinig sa mga umano’y korupsyon sa insurance company ng bansa.

Sa opening message ni Sen. Panfilo Ping Lacson ay sinabi nitong taong 2014 pa lamang ay may disallowances na ang ahensya batay sa report ng Commission on Audit (COA) na nagkakahalaga ng P3.98 bilyon at patuloy itong tumataas sa pagdagdag ng mga taon.

Taong 2015 nang maiulat mula sa COA na nasa P5.02B ang disallowances, taong 2016, P5.08B ang naiulat na halaga na hindi nagamit ng tama, umakyat ito sa  P6.12B noong 2017 at noong 2018 ay umabot ng  P6.64B ang disallowances ng ahensya.

PHOTO JOB

Sinabi naman ni Resigned Anti Fraud Officer Atty. Thorrsson Keith sa kanyang paunang pahayag bilang pangunahing testigo sa mga korupsyon ng PhilHealth, na hindi nito masikmura ang katiwalian sa ahensya na naging dahilan ng pag-resign nito sa opisina tulad na lamang ng paniningil ng sobra-sobra sa mga OFW para maitapal sa mga nawalang pera sa ahensya dahil sa katiwalian.

Si Alejandro L. Cabading, isa sa mga Board of Directors ng PhilHealth ay sinabi namang hindi makatarungan ang pagkasa ng proposed budget noon ng ahensya para sa kanilang IT system na umabot ng P2.1B.

Ayon kay Cabading, ng iprinopose ang budget ay walang nailagay na justification o breakdown kung saan partikular na gagamitin ang pera.

Inamin naman ni PhilHealth CEO and President Ricardo Morales na talamak na ang korupsyon bago pa ito manungkulan sa ahensya noong 2019.

Samakatuwid aniya ay nasa P10.2B ang nawala sa ahensya dahil sa katiwalian at maaari pang umakyat sa 18B sa susunod na taon.

Kaya aniya naikasa ang malaking budget para sa IT system ay para magkaroon ng manageable database ang ahensya para malaban ang fraudulent cases.

Maliban dito ay napag-alaman na may mga hospital ang binibigyan ng claims ng PhilHealth mula sa Interim Reimbursement Mechanism o IRM gayong wala naman itong mga COVID patients.

Ayon kay Lacson nasa P45M mahigit ang ibinigay ng PhilHealth sa isang dialysis center gamit ang pondo para sa IRM ng ahensya.

Ikinumpara naman ni Lacson ang tinanggap lamang ng Ospital ng Maynila mula sa PhilHealth na nasa P19M lamang sa kabila na umaapaw ito ng COVID patients.

Paliwanag naman ng Philhealth na maraming mga ospital ang kailangan ding bigyan ng agad na assistance.

Ginisa naman ni Sen. Francis Tolentino si Morales matapos nitong aminin na wala itong nasibak na mga tao ng ipinag-utos noon ng Pangulo ang paghain ng resignasyon ng tao dahil sa isyu ng katiwalian.

Inamin din nito na wala siyang sinabak na mga empleyado ng PhilHealth na nasa Salary Grade 26 sa kabila ng may memorandum para sa ganitong kautusan.

Katuwiran nito ay wala naman siyang alam na pormal na nakasuhan na mga empleyado para tuluyan silang sibakin sa  PhilHealth.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.