Iba’t ibang grupo, magsasagawa ng protesta sa gagawing Ika-4 na 2 plus 2 Ministerial Consultations sa pagitan ng Pilipinas at Amerika

Iba’t ibang grupo, magsasagawa ng protesta sa gagawing Ika-4 na 2 plus 2 Ministerial Consultations sa pagitan ng Pilipinas at Amerika

TINUTUTULAN ng grupong Bayan ang gagawing Ika-4 na 2 plus 2 Ministerial Consultations sa pagitan ng Pilipinas at Amerika, araw ng Martes, July 30, 2024 sa Camp Aguinaldo.

Sa mismong main gate ng kampo magsasagawa ng pag-iingay ang grupo bilang pagtutol sa pinapasok ng bansa na posibleng mauwi sa digmaan.

Una na nitong tinututulan ang pagtatayo ng Amerika ng kanilang military bases sa bansa at tahasang panghihimasok sa Pilipinas.

Ang 2 plus 2 ministerial consultations ay gagawin para muling pagtibayin ng Pilipinas at Amerika ang relasyon ng dalawang bansa sa gitna ng mga hamong kinahaharap partikular na sa rehiyon ng Indo-Pasipiko

Partikular na haharap sa pagpupulong sina Defense Sec. Gilberto Teodoro Jr., Foreign Affairs Sec. Enrique Manalo sa panig ng Piliipinas.

Habang sina United States Defense Sec. Lloyd Austin III at US Secretary of State Antony Blinken naman ang haharap sa panig ng Amerika.

Dito, tatalakayin ang mga usaping may kinalaman sa mga banta sa rehiyon mapa-lupa, tubig, himpapawid gayundin sa cyberspace at kung paano ito matutugunan.

Inaasahan ding tatalakyin dito ang mga pinakahuling sitwasyon sa West Philippine Sea, partikular na ang mga mapangahas at mapaghamong hakbang ng China sa katubigang sakop ng Pilipinas.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble