Iba’t ibang hamon na kinahaharap ng Pilipinas, pinasusulusyunan sa pamahalaan sa National Rally for Peace ng Iglesia ni Cristo

Iba’t ibang hamon na kinahaharap ng Pilipinas, pinasusulusyunan sa pamahalaan sa National Rally for Peace ng Iglesia ni Cristo

NAGMISTULANG mga langgam ang attendees ng National Rally for Peace ng Iglesia ni Cristo (INC) sa Quirino Grandstand sa Maynila.

13 mga lugar sa buong Pilipinas ang aktibidad na ito ng INC.

Suot ang mga kulay puting t-shirt, pagkakaisa at hindi pamumulitika ang kanilang panawagan.

Ang show of force na ito ng INC ay nangyari matapos magkawatak-watak ang UniTeam nina Pangulong Bongbong Marcos at Vice President  Sara Duterte.

Pinakalayunin ng pagkilos na ito ayon kay SAGIP Rep. Rodante Marcoleta na katawanin ang damdamin ng milyong-milyong Pilipino para sa isang mapayapa at nagkakaisang Pilipinas.

Kabilang din sa pinaaaksiyunan ng pagkilos ang paglutas sa lumalalang kahirapan na pinalubha pa ng katiwalian at korapsiyon, kalamidad, kriminalidad, bangayang pampulitika, at iba pa.

‘’Napakabigat po ng hinaharap na hamon ng problema ng ating bansa. Hindi ho biro-biro ito, ito po ay pananagutan po ng ating mga opisyales. Hindi po pwedeng talikuran ito. Ganito na po kalala ang problemang pang-ekonomiya ng ating bansa. Ngunit hindi po yata ganito ang direksyon sapagkat sa halip na ho na unahin ang mga malalaking problema na kinahaharap ng ating bansa ang inuna po ay mga bagay na nauuwi lamang sa pagkakamkampi-kampi at pagkakabaha-bahagi ng ating bansa,’’ ayon kay Rep. Rodante Marcoleta.

Tutol din ang INC sa isinusulong na impeachment laban kay VP Sara Duterte.

Pinuna naman ni Congressman Marcoleta ang imbestigasyon ng House Quad Com laban kay dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte na labag sa batas lalo’t hindi naman korte ang Kamara.

Pati na ang hindi pagsunod sa longtime traditions nila sa Mababang Kapulungan gaya ng pagkalkal sa Confidential Funds ng Office of the Vice President na hindi kailanman ginawa sa Mababang Kapulungan.

Pinuna rin nito ang kalabisan sa paggamit ng contempt powers sa Kamara.

Bukod sa INC members, nandoon din sa peace rally ang iba’t ibang parallel groups—’di tinitignan ang religious at political affiliations para patindihin ang nagkakaisang boses ng mamamayang Pilipino.

Samantala, suportado naman ni dating Pangulong Duterte ang aktibidad.

Nagpasalamat din siya sa organizers dahil sa pagtipon sa mga Pilipinong nagkakaisa ngayong nasa ‘kritikal’ na estado ang bansa.

Mensahe naman ng dating Presidente sa taumbayan.

‘‘Let us demand what is due our people. Let there be strong and resolute leadership in our country. Let us all unite under our FLAG!’’ saad ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Binanatan din ng dating presidente ang Kamara na gustong ipa-impeach ang anak niyang si VP Sara.

At iginiit na hindi impeachment ang sagot sa kahirapan ngayon ng bansa sa ilalim ng Marcos Jr. administration.

‘‘This is what our country needs in these critical times. Not impeachment. Not waste of government resources. Not self-serving schemes. Not divisive action. We must UNITE. We must move forward as ONE. We must SERVE our people,’’ saad ni FPRRD.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble