Iba’t ibang party-list groups buong suporta kay senatorial candidate Pastor Apollo C. Quiboloy

Iba’t ibang party-list groups buong suporta kay senatorial candidate Pastor Apollo C. Quiboloy

HINDI nagpahuli ang iba’t ibang party-list groups sa pagpapahayag ng kanilang matibay na suporta kay Pastor Apollo C. Quiboloy, na #53 sa balota.

Isa sa mga unang dumating sa proclamation rally sa Ynares Gym ay ang EPANAW Party-list, na tumatakbo rin sa midterm elections.

Ayon sa mga nominees ng EPANAW, buo ang kanilang suporta kay Pastor Quiboloy dahil sa kaniyang matatag na track record, katapangan, at hindi matatawarang sakripisyo sa paglaban sa insurhensiya.

Naniniwala silang ang pag-upo ni Pastor Quiboloy sa Senado ang magiging simula ng tunay na pagbabago sa bansa.

Buong suporta rin ang ibinigay ng Pwersa ng Pilipinong Pandaragat (PPP) sa kandidatura ni Pastor Apollo Quiboloy.

Bukod sa paghanga sa kaniyang kabutihang-loob, kinilala rin ng grupo ang dedikasyon ni Pastor sa pangangalaga ng kalikasan.

Simula pa noong 2005, aktibong nakikilahok si Pastor Quiboloy sa tree-planting activities at clean-up drives, bagay na lubos na pinahahalagahan ng PPP.

Hindi rin nagpahuli ang Ang Bumbero ng Pilipinas Party-list, sa pangunguna ng kanilang first nominee na si Astra Pimentel-Naik.

Ayon kay Pimentel, hinahangaan niya ang tapang ni Pastor Quiboloy, lalo na sa laban nito kontra korapsiyon sa bansa.

Isang matibay at nagkakaisang pahayag ng suporta—mula sa iba’t ibang sektor—para kay Pastor Apollo.

Para sa kanila, siya ang senatorial candidate na may paninindigan, prinsipyo, at malasakit sa bayan.

Follow SMNI NEWS on Twitter