MULING nagpulong ang iba’t ibang sektor sa pangunguna ng Philippine National Police (PNP).
Ito ay upang ilatag ang mga programa ng pulisya sa ilalim ng Kapulisan, Simbahan at Pamayanan (KASIMBAYANAN).
Layunin ng pulong na lalong pagtibayin ang ugnayan ng mga pulis, komunidad at simbahan para sa maayos at mapayapang pamayanan.
Natalakay rin nila ang pagkakaroon ng KASIMBAYANAN advisers na tututok sa community relations at pagsasagwa ng aktibidad sa mga barangay.
Maliban dito, nagkaroon ng pledge of commitment ang local government units (LGUs) sa KASIMBAYANAN.