Iba’t ibang sektor, nakilahok sa “One Tree One Nation” Nationwide Tree Planting Activity” sa Malaybalay Bukidnon

Iba’t ibang sektor, nakilahok sa “One Tree One Nation” Nationwide Tree Planting Activity” sa Malaybalay Bukidnon

NAGING matagumpay ang ginanap na “One Tree, One Nation” Nationwide Tree Planting Activity sa Malaybalay Bukidnon kung saan daan-daang volunteers ang nakilahok sa inisyatibang ito ni Pastor ACQ.

Patuloy ang adbokasiya ng Sonshine Philippines Movement (SPM) na alagaan at protektahan ang Inang Kalikasan.

Ito ay inisyatibo ni Pastor Apollo C. Quiboloy.

Dahil sa sunud-sunod na kalamidad na nanalasa sa bansa, maraming mga lugar ang lubog sa baha at marami rin ang nagkaroon ng landslide dahil sa mga pag-ulan, kaya naman malaking tulong ang ginawa ng “One Tree, One Nation” Nationwide Tree Planting Activity na sabay-sabay na ginanap sa iba’t ibang panig ng bansa.

Kaisa ang volunteers mula sa SPM, Kingdom of Jesus Christ, mga pulisya, reservist ng Armed Forces of the Philippines, CENRO, mga mag-aaral, at iba pang sektor ay nagtulung-tulong para maging matagumpay ang ginanap na tree planting activity.

Nagmula pa sa Cagayan de Oro City, Lanao Del Norte at iba’t ibang lugar sa Bukidnon ang nakilahok sa nasabing event.

Samantala, mahogany, at iba’t ibang fruit bearing trees ang sabay-sabay na itinanim ng mga volunteer sa tree park ng Barangay Aglayan ng lungsod.

Kaya naman malaki ang kanilang pasasalamat dahil naging kabahagi umano ang mga ito sa malaking adbokasiya ng SPM na inisyatibo ng Butihing Pastor.

Ayon naman sa tagapagsalita ng One Tree, One Nation at ng Sonshine Philippines Movement na ang hakbanging ito ay matagal nang ginagawa ni Pastor Apollo C. Quiboloy at nagagalak ang mga ito na hanggang ngayon ay patuloy na pinapakita ng Butihing Pastor ang pagmamahal nito sa Inang Kalikasan at sa bansa.

Responsibilidad ng bawat isa na pangalagaan ang ating Inang Kalikasan kaya naman umaasa si Pastor Apollo na patuloy nating ipakita ang ating pagmamahal sa bansa sa pamamagitan ng pagkakaisa at patuloy na pakikilahok sa mga ganitong aktibidad.

 

 

#OneTreeOneNation

#PastorApolloParaSaKalikasan

#ParasaDiyosatPilipinaskongMahal

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble