NAKAKARATING sa mga malalayong lugar ang iba’t ibang serbisyo ng Office of the Vice President (OVP) dahil sa mga satellite office nito.
Sabi ni Vice President Sara Duterte nang maluklok siya sa pwesto ay nakita niya ang pangangailangan na dalhin sa mga probinsya ang mga serbiyso ng gobyerno lalo na sa mga mahihirap na bahagi ng bansa.
Dahil dito binuksan ng OVP ang sampung satellite offices at dalawang extension offices nito ng OVP noong 2022 kung saan mas maraming Pilipino ang nakaka-avail ng serbisyo ng tanggapan.
Kabilang sa mga serbisyong hatid ng OVP ang medical at burial assistance, Mag-negosyo Ta Day, Pagbabago: A Million Learners and Trees campaign, Kalusugan Food Trucks, Disaster Operations Center, Libreng Sakay, Relief for Individuals in Crisis and Emergencies at You Can Be VP.