Iba’t ibang tourism packages ng Pilipinas, maaari nang i-book sa Klook

Iba’t ibang tourism packages ng Pilipinas, maaari nang i-book sa Klook

MAGIGING hassle-free na ang pag-book ng tourism packages sa Pilipinas para sa mga lokal at dayuhang turista.

Iyan ay kasunod ng pakikipagpartner ng Department of Tourism (DOT) sa Klook Philippines kung saan isang Memorandum of Agreement ang nilagdaan at isang Pledge of Strategic Alliance ang isinagawa kamakailan.

Ayon kay Tourism Secretary Christina Garcia-Frasco na sa pamamagitan ng nasabing partnership mas makikilala ang iba’t ibang destinasyon ng bansa sa buong mundo.

‘’Napakahalaga ng partnership na ito with Klook and the Department of Tourism dahil mabibigyan natin ‘yung ating destinasyon ng pagkakataon na makilala sa buong mundo kung saan ang ating mga turista ay mabibigyan na ng pagkakataon na magbook sa Klook ng ating Philippine Experience Toursim Package,’’ sabi ni Sec. Christina Garcia-Frasco.

Maaaring i-book sa Klook ang iba’t ibang Philippine Experience Tourism Packages ng DOT tampok ang mga destinasyon at kultura ng Ilocos Region, Bicol, CALABARZON, Palawan, at Western Visayas.

Maaaring i-type ang “Klook Exclusive: Culture, Heritage & Arts Tour” sa search bar ng nasabing platform para mas madaling mahanap ang mga nasabing packages.

Ang mga presyo ay nagbabago depende sa package na pipiliin.

Sabi ng DOT simula pa lang ito at mas palalawakin pa ang coverage nito sa iba pang mga destinasyon sa bansa.

Malaking tulong din ayon sa ahensiya ang Klook para magkaroon ng digital platform ang mga lokal na travel agency, tour operators at iba pang tourism stakeholders para maibenta ang kanilang mga produkto at mga serbisyo sa buong mundo.

 ‘’We are very excited to partner with the Department of Tourism especially about not leaving out any of our tourism operators locally, making sure digital transformation really impacts the entire industry. We are now working with government body, we can now make sure that every single party in the Philippines in the tourism industry is now included,’’ saad ni Eric Gnock Fah Co-founder, Klook.

Sa kasalukuyan, ang Klook ay mayroong mahigit kalahating milyong travel offers na nagbibigay serbisyo sa mahigit 2,700 destinasyon sa buong bansa.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter