Ibinibigay na guarantee letter sa AICS program ng DSWD, sinuspinde

Ibinibigay na guarantee letter sa AICS program ng DSWD, sinuspinde

KINUMPIRMA ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na hindi muna mag-iisyu ng guarantee letter sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) program sa lahat ng opisina sa bansa.

Paliwanag ng ahensiya, kailangang bigyang-daan ang annual liquidation na bahagi ng taunang fiscal obligation alinsunod sa utos ng Department of Budget and Management (DBM) at batas.

Batay sa abiso, ang suspension sa pag-iisyu ng guarantee letter ay simula sa Disyembre 7-31, 2023.

Kailangan ng sapat na oras sa pag-aayos ng mga kinakailangang dokumento para mabayaran ang mga service provider sa mga naiabot na tulong sa mga kliyente ng ahensiya sa pamamagitan ng guarantee letter.

Ngunit upang hindi mahinto ang tulong na ibinibigay ng DSWD, patuloy ang pamimigay ng outright cash assistance para sa ating mga kuwalipikadong benepisyaryo.

Sa Enero 2024 naman muling ibabalik ang pagbibigay ng guarantee letter.

Follow SMNI NEWS on Twitter