IBP, suportado ang ibinigay na emergency powers kay Pang. Duterte laban sa COVID-19

SUPORTADO ng Integrated Bar of the Philippines (IBP) ang ipinasang panukala ng Kongreso kaugnay sa pagbibigay ng ‘special power’ kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ang nilinaw ni IBP President Atty. Domingo Cayosa matapos lagdaan ng pangulo ang Bayanihan To Heal As One Act kahapon.

Sa panayam ng Sonshine Radio kay Atty. Cayosa, sinabi nitong maganda ang maidudulot nito sa bansa lalong-lalo na’t agad na matutugunan ang hinaharap na problema kaugnay sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa bansa.

Isa sa mga probisyon na nakapaloob sa nasabing batas ay ang realignment ng government funds para sa COVID-19 pandemic kung kinakailangan.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.