ICC, hindi na dapat sayangin ang kanilang oras sa kasong walang kahihinatnan –Atty. Roque

ICC, hindi na dapat sayangin ang kanilang oras sa kasong walang kahihinatnan –Atty. Roque

IKINAGAGALAK ni Atty. Harry Roque na nanguna si Deputy Speaker Gloria Arroyo sa pagdepensa kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Kontra ito sa imbestigasyon ng International Criminal Court sa drug war campaign ng nakaraang administrasyon.

Aniya, kung ito’y makakakuha ng maraming suporta, nagpapahiwatig lang ito sa ICC na hinding-hindi makikipag-cooperate ang Republika ng Pilipinas sa kanila.

Payo pa ni Atty. Roque, huwag nang sayangin ng ICC ang kanilang oras, pondo sa isang kaso na wala namang kahihinatnan.

Ito’y dahil ngayon pa lang, ipinapakita na ng iba’t ibang sangay ng gobyerno ng Pilipinas na hindi sila magko-cooperate sa ICC.

Follow SMNI NEWS in Twitter