ICC, hindi siguradong tatalakayin ni PBBM sa SONA—Sec. Enrile

ICC, hindi siguradong tatalakayin ni PBBM sa SONA—Sec. Enrile

HINDI sigurado si Chief Presidential Legal Counsel Sec. Juan Ponce Enrile kung tatalakayin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. sa kaniyang pangalawang State of the Nation Address (SONA) ang isyung legal patungkol sa International Criminal Court  (ICC).

Aniya, madaming isyung legal ngayon ang bansa.

At kabilang sa mga pangunahing tatalakayin ni Pangulong Marcos ay ang ekonomiya, seguridad, at ang mga inaasahang mangyayari sa Pilipinas at maging ang kaniyang programang food security at agriculture.

Dadag pa ng chief presidential counsel, pipiliin lang ni Pangulong Marcos kung ano ang urgent, important, at meaningful para sa bansa.

Samantala, binigyang-diin ni Enrile na hindi niya matantiya kung tatalakyin ng Pangulo ang isyu ng joint, oil gas exploration ng West Philippine Sea (WPS) sapagkat marahil ipapaubaya ito sa gobyerno na may hawak ng isyu na ito.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble