ICC, hinimok ng DOJ na kumuha ng impormasyon sa mga ‘credible sources’ at hindi sa naratibo ng makakaliwa

ICC, hinimok ng DOJ na kumuha ng impormasyon sa mga ‘credible sources’ at hindi sa naratibo ng makakaliwa

KUMUHA ng impormasyon sa mga ‘credible sources’ at hindi sa mga kilalang left leaning at kumakalaban sa gobyerno na mga grupo.

Ito ang sinabi ni Department of Justice (DOJ) Asec. Mico Clavano patungkol sa pinagkukunang impormasyon ng International Criminal Court (ICC) hinggil sa war on drugs ng dating administrasyong Duterte.

Giit ni Clavano, maaaring ang mga impormasyon na galing sa makakaliwa ay ‘bias’ at magmumukhang masama ang imahe ng bansa.

DOJ, muling iginiit na walang karapatan ang EU sa hustisya ng bansa

Kaugnay nito, muling iginiit ng DOJ na walang karapatan ang EU na makialam sa hustisya ng bansa.

 “’Yung EU Parliament po, napakalayo po nila no? Tinitingan nila yung bansa natin from very far, kaya parang hindi naman po tama na kunwari silang mga eksperto dito sa issues natin dito sa bansa,” saad ni Asec. Mico Clavano, spokesperson, DOJ.

Dagdag ni Clavano, gumagana ang hustisya ng bansa at kayang magsagawa ng DOJ ng sarili nitong imbestigasyon patungkol sa di umano’y human rights violation.

 “Mayron naman po tayong working justice system eh. Ang mga korte po natin ay gumagana, yung mga prosecutor natin nagtatrabaho, yung mga police, mga NBI po natin na nasa ground po mismo nagtatrabaho din po. Kaya’t hindi po natin masasabi na kailangan po natin ng ibang tao. Lalong-lalo na po yung ICC na hindi na po tayo member room statute” dagdag ni Clavano.

 “’Yun po yung Principle of Complimentary sa international law, na kung gumagana ang justice system sa isang bansa, gumagana po ang gobyerno sa isang bansa, bawal pong pumasok ang ICC,” aniya pa.

Sa huli, sinabi ni Clavano na insulto sa bansa ang panghihimasok ng ICC.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter