ICU at ward beds sa NCR at Region 4, umabot na sa danger zone dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19

ICU at ward beds sa NCR at Region 4, umabot na sa danger zone dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19

INIHAYAG ng Deparment of Health (DOH) na umabot na sa “danger zone” o ang mahigit 70% ng ward beds para sa COVID-19 sa mga ospital ang okupado na partikular sa National Capital Region (NCR) at Region IV-A o (CALABARZON).

 

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na manageable pa ang mga national bed at mechanical ventilator occupancy, sapagka’t nasa kalahati pa lamang ang mga na-uukupa dito.

 

Ang NCR at Region IV-A ang nakikitang dalawang rehiyon na nagpapatuloy sa pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 lalo na sa unti-unting pagbubukas ng ekonomiya.

 

Sa datos na pinakita ni Vergeire, ang mga okupadong intensive care unit beds o ward beds sa bansa ay umabot sa 53 % ngunit umabot sa 73% ang NCR at Region IV-A.

 

Samantala, ginagamit ng DOH ang term na “danger zone” kung may 70% occupancy pataas, “warning zone” naman kung may 30 hanggang 70 % at “safe” kung may 30 % pababa.

 

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.