Idle lands, gagamitin para sa National Housing Project; EO, lalagdaan ni PBBM

Idle lands, gagamitin para sa National Housing Project; EO, lalagdaan ni PBBM

LALAGDAAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang section 24 ng Republic Act No. 11201, kung saan ilalagay sa ilalim ng pangalan ng Republika ng Pilipinas ang lahat ng idle government lands para magamit sa pabahay ng gobyerno.

Sa tulong ng Department of Agrarian Reform (DAR), Department of Agriculture (DA), Department of Environment and Natural Resources (DENR), Department of the Interior and Local Government (DILG) at ng Land Registration Authority (LRA).

Magsasagawa ang mga ito ng land inventory, upang malaman ang mga lupang maaring magamit sa nasabing proyekto.

Ito ay alinsunod sa mandato ng Pangulo sa Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) na makapagpatayo ng 6 milyong pabahay sa pagtatapos ng kanyang termino.

Follow SMNI NEWS in Twitter