SINIMULAN na sa araw na ito ng Department of Trade ang Industry (DTI) ang pamamahagi ng identification cards para sa mga kumpanyang nagde-deliver ng mga basic goods.
Ito ang sinabi ni DTI Undersecretary Ruth Castelo upang maging mabilis ang pag-transport ng mga supplies lalo na ang mga dumadaan sa mga check point.
Sinabi ni Castelo na ang nasabing ID ay may QR codes upang madaling malaman ng mga nasa checkpoint ang company details ng nagde deliver.
Dahil rin aniya sa QR codes, hindi rin ito basta-basta mapepeke.
Kabilang sa mga maaaring mag-apply ng ID ay ang mga kumpanyang may kinalaman sa pagkain at gamot gayundin ang mga manufacturing companies.