IEC materials, nutrition commodities at mga medisina, ipinamahagi sa mga Albayanos

IEC materials, nutrition commodities at mga medisina, ipinamahagi sa mga Albayanos

NAMAHAGI ang provincial government ng Albay ng mga nutrition commodities, IEC materials at deworming medicines sa iba’t ibang lugar sa lalawigan.

Upang lalong matiyak ang kalusugan ng mga Albayano at bilang panangga sa patuloy na pananalasa ng pandemya, ang programang pangkalusugan naman ang pinagtutuunan ng atensyon ng lokal na pamahalaan ng Albay.

Sa inisyatibong isinagawa ng Provincial Government of Albay, nagkaroon ng pamamahagi ng mga nutrition commodities, information, education and communication materials at deworming medicine sa iba’t ibang Local Government Units (LGU’s) ng probinsya ng Albay.

Ang programang ito ng lokal na pamahalaan ng probinsya ay upang mabigyan ng awareness on food and nutrition concerns ang publiko sa pamamagitan ng information dissemination and providing communication materials.

Pangunahing layunin ng micronutrients supplementation program na matulungang ma ipromote ang masusustansiyang pagkain upang maagapan ang mga sanggol, mga kabataan, mga buntis, at mga lactating women na magkaroon ng micronutrients deffeciences.

Ang hakbang na ito ng lokal na pamahalaan ng Albay ay naglalayong mapanatili ang malusog na pamayanan sa kabila ng kinakaharap na pandemyang COVID-19.

(BASAHIN: Electric cooperatives, nagtulong-tulong upang maibalik ang suplay ng kuryente sa Albay)

SMNI NEWS