IED maker ng Daulah-Islamiyah, nahuli sa North Cotabato

IED maker ng Daulah-Islamiyah, nahuli sa North Cotabato

NAARESTO ng pinagsanib na pwersa ng militar at pulisya ang IED maker ng Daulah-Islamiyah.

Ito ay matapos ang isinagawang operasyon sa Brgy. Salat, President Roxas, North Cotabato.

Ayon kay AFP Western Mindanao Command (WestMinCom) acting commander Brigadier General Arturo Rojas, kinilala ang nahuli na si Jordan Akmad, alyas Jordan Kamad na improvised explosive device (IED) maker, bomber, at extortionist ng Daulah Islamiyah-Hassan Group.

Nasangkot din umano si Akmad sa pambobomba sa mga bus terminal sa Davao City at Kabacan, Cotabato.

Si Akmad ay may warrant of arrest sa kasong murder at multiple frustrated murder at kasalukuyang nasa kustodiya ng President Roxas Municipal Police Station.

Pinuri naman ni General Rojas ang kanilang mga tauhan sa matagumpay na operasyon at tiniyak na makikipagtulungan sa pulisya at iba pang ahensya upang maging ligtas ang mga komunidad.

Follow SMNI NEWS in Twitter