“If may extra ka, donate ka din,” Cayetano hinikayat ang netizen na tumulong sa nangangailangan

“If may extra ka, donate ka din,” Cayetano hinikayat ang netizen na tumulong sa nangangailangan

MAGAANG tinugon ni Senator Alan Peter Cayetano ang mga netizen na ginamit ang kaniyang Facebook post bilang pagkakataon para makapagbiro tungkol sa panukalang Sampung Libong Pag-asa (10K Ayuda Bill) niya.

Okay din naman maging mapagkawanggawa at mabait sa kapwa. I-try nating lahat minsan, tugon ni Senator Alan Peter Cayetano.

Kantiyaw ng isang commenter, hindi pa umano nakalilimutan ng mga tao ang pangako ni Cayetano noong Halalan 2022 na magpamigay ng P10-K kada pamilya.

Naging laganap kasi noong nakaraang taon ang maling akala na dole-out ang initiative na ito ng senator.

Buwelta ng senador, maging siya ay naghihintay din sa P10-K ayuda dahil ito’y isang legislative measure at isang panawagan na naging popular noong kasagsagan ng COVID-19 pandemic.

“That’s why we’re pushing it sa Senate! Government has already admitted that they have the money but they don’t want to distribute it like Bayanihan 1,” ani Cayetano.

Tinutukoy ang unang pandemic aid bill ng dating Duterte administration na ipinasa noong panahon niya bilang House Speaker.

Dagdag aniya, habang hindi pa natatalakay ng Senado ang ‘Sampung Libong Pag-asa’ bill ay ginagawa na niya ang kaniyang makakaya upang tumulong sa mga nais magtayo o magpalago ng maliit na negosyo sa pamamagitan ng pagbibigay ng P10-K pangpuhunan sa mga benepisyaryo ng kaniyang ‘Sampung Libong Pag-asa’ program.

Hinikayat din ni Cayetano ang naturang commenter na mag-ambag na lang at tumulong sa kapwa sa abot ng kaniyang makakaya, katulad ng paulit-ulit na apela ng senator sa mga manonood ng kaniyang ‘Sampung Libong Pag-asa’ program sa Facebook.

If may extra ka, try it, donate ka din sa mga nangangailangan,” wika ng senator.

Nag-post ng selfie si Cayetano noong March 24 sa kaniyang Facebook page kung saan kasama niya si GMA Sparkle actress Shuvee Etrata.

Sa kaniyang photo caption, pinuri ng senador ang mga kabataan na,

 “Humble, hardworking, kind, respectful, mindful and eager to learn. Maraming comments and criticism about young people, about the next generation. Then you meet great examples of their generation,” aniya.

“Let’s learn from them. Huwag kaya tayo nega? Smile lang,” pagtatapos ng senador.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter