Ika-10 medical mission sa Pasig, ipinagpatuloy ng mag-asawang negosyante

Ika-10 medical mission sa Pasig, ipinagpatuloy ng mag-asawang negosyante

HUMIGIT-kumulang 2,000 katao sa Brgy. Kalawaan Covered Court ang dumagsa sa isinagawang medical mission ng mag-asawang Kuya Curlee at Ate Sarah.

Bukod sa libreng check-up; gamot; masahe; manicure, pedicure, libreng gupit, tuli; saklay, wheelchairs, at quad canes, namahagi rin ang St. Gerrard Charity Foundation ng pet vaccination sa mga pet lover ng aso at pusa.

Namahagi rin ang couple ng pantry para sa unang 500 na nagpaparehistro, libreng pagkain, garbage hauler, patrol units, collapsible tent, at monoblock chairs.

Hindi matatawaran ang saya ng mag-asawang negosyante dahil sa pag-welcome sa kanila ng Brgy. Kalawaan.

“Actually, ako napaluha at napaiyak ako, talaga napaka-overwhelm ng pagtanggap nila, parang minsan pala ‘pag nagtanim ka ng isang mabuting bagay, parang mabuting bagay din pala ang aanihin mo, parang ang karma din ng kabutihan na ginawa mo ay kabutihan rin pala,” ayon kay Curlee Discaya, Founder, St. Gerrard Charity Foundation Inc.

Bago pa man isinagawa ang medical mission sa Kalawaan, naging abala sa pagtulong ang mag-asawa sa mga nasalanta ng hanging Habagat na pinalakas ng Bagyong Carina.

“Nag-response kami kaagad on the day of bagyo, nagbaba kami ng relief goods especially sa District 2 kasi ‘yun talaga ang tinamaan ng baha, ’yung una naming pinuntahan that was Santolan, Maybunga, binabaan naming sila ng mga groceries, at ‘yung pangkain nila kasi ‘yung meal nila,” ayon naman kay Sarah Discaya, Founder, St. Gerrard Charity Foundation Inc.

Tiniyak ng St. Gerrard Charity Foundation na tuluy-tuloy ang pagtulong nila sa mga nangangailangan ng tulong na mga Pasigueño.

“Mga ka-barangay out there, abangan nyo po kami, I know next Saturday, nasa Barangay Oranbo kami, Sunday we will be in Barangay Caniogan, so “yung mga request ng mga Barangay Chairman Medical Mission na bumababa sa kaniya, abangan niyo na lang sa Facebook page ng St. Gerrard Construction or Ate Sarah and Kuya Curlee or Ate Sarah lang na page, saan kami at kung kailang ang medical mission naming,” dagdag pa nito.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble