Ika-11 anibersaryo ng paghagupit ng Bagyong Yolanda sa bansa, ginugunita ngayong araw

Ika-11 anibersaryo ng paghagupit ng Bagyong Yolanda sa bansa, ginugunita ngayong araw

GINUGUNITA ngayong araw, Nobyembre 8, 2024 ang ika-11 anibersaryo ng paghagupit ng Bagyong Yolanda sa bansa.

Bilang bahagi ng paggunita ay walang pasok ang government agencies maging ang lahat ng pampubliko at pribadong paaralan sa ilang lokal na pamahalaan ngayong araw sa Leyte at Samar.

Maalalang lubos na naapektuhan ng pananalasa ng super bagyong ito noong Nobyembre 8, 2013 ang dalawang nabanggit na probinsiya.

Sa tala, mahigit anim na libong indibidwal ang nasawi dahil sa Bagyong Yolanda at ikinasugat ng mahigit 30K.

Umabot pa ng ilang taon ang pag-recover ng mga nabanggit na lugar lalo na’t milyun-milyon din ang kabuuang halaga ng pinsala doon.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter