Ika-124 anibersaryo ng AFP Medical Service, ipinagdiwang; Mga kontribusyon sa organisasyon, kinilala

Ika-124 anibersaryo ng AFP Medical Service, ipinagdiwang; Mga kontribusyon sa organisasyon, kinilala

IPINAGDIWANG ng Armed Forces of the Philippines (AFP) Medical Service ang kanilang ika-124 anibersaryo.

Pinangunahan ni AFP Deputy Chief of Staff Vice Admiral Rommel Anthony Reyes ang isang seremonya sa AFP Commissioned Officers’ Country, Camp Aguinaldo, Quezon City.

Ayon kay Reyes, mahigit isang siglo na ngayon, ang AFP Medical Service ay patuloy na nagliligtas ng hindi mabilang na buhay ng mga tauhan ng militar at kanilang mga pamilya.

Pinalawig din aniya nila ang pagbibigay-serbisyo sa mga kapwa Pilipino sa panahon ng mga hindi inaasahang pangyayari.

Kinilala rin ni Vice Admiral Reyes ang mga kasalukuyang pinuno ng AFP Medical Service na patuloy na nagtataguyod ng propesyonalismo at kahusayan sa kanilang hanay.

Kabilang na dito sina Colonel Fatima Claire Navarro, AFP Surgeon General; Brigadier General Angelica Torres, Chief Dental Service; Brigadier General Venus Bajarin, Chief Nurse; Colonel Jose Rosel Redoble, Chief Medical Corps; Colonel Rubema Candelario, Chief Veterinary Corps; at Colonel Raymund Elpedes, Chief Medical Administrative Corps.

Follow SMNI NEWS in Twitter