NAKATAKDANG ipagdiwang ngayon ng Department of Health (DOH) ang kanilang 1ka-125 anibersaryo.
Ang selebrasyon ay may temang “One25. ONE DOH: Sama-sama Tungo sa Pagbabago at Kalusugan ng Lahat”.
Kasabay nito ay turn over ceremony para sa bagong kalihim ng DOH na si Dr. Ted Herbosa
Ito ay gaganapin sa main office ng DOH sa Sta. Cruz Manila at dadaluhan mismo nila Sec. Herbosa, Undersecretary Maria Rosario Singh-Vergeire at DOH Executive Committee Officials.
Agad naman itong susundan ng presscon sa gusali ng Philhealth sa Pasig City.