Ika-13 person of interest ng Dacera case, nanindigan na hindi kilala si Christine

MARIING itinanggi ng ika-13 person of interest sa Dacera case na si Jake Esteron na kilala at nakausap niya ang yumaong flight attendant na si Christine Dacera at lalong lalo na ay hindi niya naging kaibigan ang dalaga.

Sa ekslusibong panayam ng SMNI News team kay Jake Esteron, nilinaw nito na wala siyang ibang pakay sa  pagpunta  sa City Garden Grand Hotel sa Makati City kung saan natagpuang patay si Christine ay upang bisitahin  ang kanyang mga kaibigan sa Room 2207 sa nasabing hotel.

Sinabi ni Esteron, bago mag-countdown ng New Year kanyang binisita ang mga kaibigan sa Room 2207 at alas singko na ng umaga nang umalis ito sa hotel.

Aminado din si Esteron na kaibigan niya ang lahat ng okupante ng Room 2207 pero tumanggi itong sabihin kung sino o ilan sa mga kaibigan niya ang nakakakilala kay Christine.

Pero aniya kahit hindi sila nag-uusap ni Christine habang nagpapatuloy ang New Year’s party sa hotel ay mapapansin niyang masayang masaya naman ang dalaga.

Pag-alis ni Esteron sa hotel isang kaibigan ang nag-text sa kanya kaugnay sa nangyari.

Paliwanag ni Jake isa siyang negosyante sa Samar at nagtungo sa Manila para salubungin ang Bagong Taon at wala rin umano siyang kinalaman sa pag-organisa ng naturang party sa hotel.

Giit din ni Esteron humarap siya sa media upang linawin na hindi siya ang star witness sa pagkamatay ni Christine Dacera.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.