Ika-142 Malasakit center, binuksan sa Valenzuela medical center

Ika-142 Malasakit center, binuksan sa Valenzuela medical center

BINUKSAN ang Ika- 142 Malasakit center sa Valenzuela medical center.

Dinaluhan ni Senator Christopher Lawrence “Bong” Go ang pagbubukas ng ika-142 Malasakit center sa Valenzuela medical center ngayong araw.

Sa pamamagitan nito, inaasahang makapagbibigay ang naturang center ng maayos, mura at dekalidad na healthcare sa mga residenteng mahihirap.

Ang Malasakit center ay one-stop shop kung saan nag-oopisina ang mga kinatawan mula sa Department of Health, Philhealth, Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), at Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Layon nito na mapabilis ang pahingi ng financial at medical assistance ng mga pasyente sa mga nasabing tanggapan.

‘’Para po ito sa poor and indigent patients….helpless hopeless yun po ang unahin natin,’’ayon kay Senator Go.

Kaugnay nito, sinabi naman ni Dr. Marla Litam, Valenzuela medical center chief na malaking tulong sa ospital lalo na sa mga residente ng lungsod ang pagkakaroon na ng malasakit center sa lugar.

Sabay pinasalamatan ni Dr. Litam si Senador Go at ibang opisyal ng pamahalaan sa pagbubukas ng naturang tanggapan.

‘’It’s a big help because always para sa kababayan nating nangangailangan ng ayuda,’’ayon kay Dr. Marla Litam.

Samantala, bago nito, dinaluhan din ni Sen. Go ang isang event sa Valenzuela city kaninang umaga.

Sa naturang event, pormal na pinasinayaan ang pagbubukas ng Wellness Entertainment Sports (WES) arena mega vaccination hub sa Brgy. Punturin sa nasabing lungsod.

Bukod kay Go, naroon din sa naturang event sina Valenzuela Mayor Rex Gatchalian, Vaccine Czar Carlito Galvez, Jr., Testing Czar Vince Dizon, DOH Sec. Francisco Duque III, presidential spokesman Harry Roque, MMDA chairman Benhur Abalos, (former) DPWH Sec. Mark Villar, at House Deputy Speaker (WES) Gatchalian.

Sa kabila ng nalalapit na eleksyon at patuloy na COC filing ng mga aspirant para sa 2022 elections, ay sinabi ni Sen. Go na nananatili pa rin ang kanyang focus sa economic recovery at COVID response hanggang sa unti-unti nang bumalik ang bansa sa normal na pamunuhay.

SMNI NEWS