Ika-3 anibersaryo ng Zamboanga del Sur bilang insurgency free province, dinaluhan ng AFP Chief

Ika-3 anibersaryo ng Zamboanga del Sur bilang insurgency free province, dinaluhan ng AFP Chief

DUMALO si Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff Gen. Romeo Brawner Jr. sa ginawang pagdiriwang sa ika-3 anibersaryo ng Zamboanga del Sur bilang insurgency-free province.

Ginawa ang nasabing aktibidad sa Provincial Government Center, Brgy. Dao, Pagadian City.

Dito ay inalala ang naging dedikasyon ng mga local leaders, uniformed services, at ng komunidad sa pagkamit ng kapayapaan sa probinsiya.

Kasabay rito nanawagan si Gen. Brawner sa mga taga-Zamboanga del Sur na patuloy na magkaisa at sumali sa whole of the nation approach para sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa buong probinsiya.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble