Ika-3 araw na ng bilangan ng boto sa Philippine Consulate sa Los Angeles; ilang balota, invalidated

Ika-3 araw na ng bilangan ng boto sa Philippine Consulate sa Los Angeles; ilang balota, invalidated

NAGPAPATULOY ang pagproseso ng balota sa ika-3 araw sa Philippine Consulate General Office sa Los Angeles, na mas naging matagal dahil na rin sa mas maraming ballots na nakuha mula sa mga postal offices at mga dri-nop off mismo ng mga kababayan natin sa konsulado.

It’s business as usual para sa Special Board of Election Inspectors (SBEI) sa opisina ng Philippine Consulate General sa Los Angeles, habang patuloy ang ballot feeding sa ika–tatlong araw nito.

Ngunit apat sa mga ibinalik na balota ay nawalan ng bisa, dahil sa mga pagkakamali gaya ng pagpirma ng mga botante sa maling lugar, o pagmamarka ng higit sa nakasaad.

Para kay Xenia Tupas, isang poll watcher mula sa Bayan Muna Party-list, ito ay isang pagkadismaya.

‘’There’s a rip on the edges. So, we don’t know whether it was like too much glue or something that because the edges would have like a barcode that they have. So like today the spoiled ballot is one that has a sticker. Instead of putting the sticker in the flap of the envelope, the voter put it on top of the ballot,’’ ayon kay Tupas.

‘’So the SBEI number one, they tried all means, you know, like on either side stool just to make sure that the ballot will be counter. But unfortunately, the vote counting machine rejected it. So the vote counting machine did not count the votes that’s in there in that ballot,’’ saad nito.

At sa kasamaang palad, ang bawat rehistradong botante ay may isa lamang balota at hindi maaaring humiling ng isa pang balota para sa anumang kaso ng pagkakamali.

 ‘’I believe they don’t because the complex sends like one ballot for each registered voter like for PCG Los Angeles, there is 34,917. So that’s the exact amount that a number of ballots that they receive,’’ paliwanag ni Tupas.

May mga minor issues na madaling maayos gaya ng mga paper jam.

‘’We’re doing a very good job, a very patient and orderly and pure jamming. It’s only machines, but they can resolve it and repeal these ballots again,’’ ayon kay Mancito Santos, poll watcher.

Ang konsulado ay nagbilang ng mas marami pang mga balota ngayon habang sila ay patuloy na tumatanggap ng mga balota na ipinadala o ibinaba sa konsulado simula noong April 10, 2022.

“The voters decreased this year…not interested anymore,” ayon kay H.E. Edgar Badajos.

Sa kabilang banda, ang mga balota na ibinalik sa konsulado ay maaaring  kunin o ipadala muli sa tamang address.

Maaaring suriin ng mga botante ang kanilang mga pangalan sa pamamagitan ng pagpunta sa kanilang website o i-scan ang QR code na naka-post sa kanilang opisyal na pahina sa Facebook upang makita kung sila ay bahagi ng mga balotang iyon ay naibalik.

Muling pinapayuhan ng opisina ang mga rehistradong botante na suriing muli ang gabay sa pagtuturo na kasama ng mga balota upang matiyak na bumoto sila nang tama at mabilang ito.

Humigit-kumulang dalawang linggo na lang at magkakaroon na ang Pilipinas ng bagong hanay ng mga pinuno sa bansa, at nakatutok ang lahat ng mga Pilipino sa buong mundo sa bawat galaw na nangyayari sa halalan habang papalapit ang eleksyon sa Pilipinas.

Follow SMNI NEWS in Twitter