Ika-5 University of Caloocan City Campus, ilalaan para sa medical and health sciences facilities

Ika-5 University of Caloocan City Campus, ilalaan para sa medical and health sciences facilities

PINASINAYAAN mismo ni Caloocan City Mayor Dale Gonzalo “Along” Malapitan nitong Miyerkules ang pagpapasinaya ng ika-5 University of Caloocan City Campus ng lungsod sa Crispulo Street, Barangay 180.

Ang bagong UCC Campus ay ilalaan para sa medicine and health sciences facilities nito gaya ng laboratories, simulation rooms, at classrooms.

“Mula sa sira-sira, madilim, at maruming campus noon, ngayon itatayo na natin ang ikalimang UCC Campus. We had a vision for UCC and we did not want it to be defined as a university that only wastes taxpayer money,” ani Mayor Along.

Layon lamang ng mga dagdag na paaralan na ito ang de kalidad na edukasyon para sa mga mag-aaral at pagtataguyod ng mas maraming propesyunal.

“Ngayon, pwede na nating ipagmalaki ang sariling unibersidad ng ating lungsod at ang de kalidad na edukasyon na ibinibigay nito sa mga mag-aaral. Sa pagtatayo natin ng UCC College of Medicine and Health Sciences, mas darami na ang mga propesyunal na batang kankaloo sa iba’t ibang larangan na may kinalaman sa medisina at kalusugan,” dagdag pa ni Mayor Along.

Sa mga ganitong proyekto aniya, target ng lungsod na walang maiiwang bata na hindi makapagtatapos ng pag-aaral.

“Ito po ang pangarap ko para sa mga kabataan ng Caloocan, mas malapit na paaralan, may mga kursong pagpipilian, libre ngunit dekalidad na edukasyon. Walang dahilan upang hindi makapagtapos ng kolehiyo at magkaroon ng magandang kinabukasan,” giit pa ng alkalde.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter