Ikaanim na anibersaryo ng Mamasapano massacre, ginugunita ngayong araw

GINUGUNITA ngayong araw ang ika-anim na anibersaryo ng Mamasapano massacre.

Kaninang umaga, isinagawa ang ‘Day of National Remembrance’ sa 44 miyembro ng  Special Action Forces ng Philippine National Police (PNP) o mas kilala bilang SAF 44 na nasawi sa Mamasapano massacre.

Pinangunahan ang pag-aalay ng bulaklak para sa SAF 44 nina PNP Chief General Debold Sinas at NCRPO Director Vicente Danao sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City.

Nag-alay din ang PNP ng 21-gun salute sa mga nasawing SAF commandos.

Taong 2015 nang mapatay ang 44 miyembro ng PNP’S Special Action Forces sa engkwentro sa Moro rebels sa bayan ng Mamasapano sa Maguindanao sa kabila ng umiiral na ceasefire.

Bukod sa 44 commandos, nasa 22 iba pang rebelde at sibilyan ang nasawi sa sagupaan.

SMNI NEWS