Ikaanim na most wanted na pugante ng Calabarzon, naaresto na

MATAPOS ang ilang taong pagtatago, sa wakas ay nahuli na rin ang ikaanim na most wanted na pugante ng Calabarzon sa lungsod ng Batangas.

Ayon kay Philippine National Police (PNP) Chief Gen. Debol Sinas, kinilala ang suspek na si Marlon Abela, 28-taong gulang at residente ng Sitio Binulihan, Barangay Talahib Pandayan, Batangas City.

Naaresto si Abela sa Barangay Pandayan, Batangas City sa isinagawang manhunt operation na inilunsad ng Regional Intelligence Unit-4A at Integrity Monitoring and Enforcement Group-Batangas.

May warrant of arrest ang suspek dahil sa krimen ng panggagahasa at acts of lasciviousness.

Nasa kamay ngayon ang suspek ng Batangas City Police Station bago ito i-turnover sa korte para harapin ang kasong inihain laban dito.

“The PNP is going after wanted persons because we want them to put behind bars after years of evading arrest,” pahayag ni Sinas.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.