Ikalawang 97-meter MRRV ng PCG, sumalang sa unang sea trial sa Japan

Ikalawang 97-meter MRRV ng PCG, sumalang sa unang sea trial sa Japan

SUMALANG na sa unang sea trial ang ikalawang 97-meter Multi-Role Response Vessel (MRRV) ng Philippine Coast Guard (PCG) sa Japan.

Ayon sa PCG, sa pangunguna ng Mitsubishi Shipbuilding Co. Ltd., naging ligtas at matagumpay ang naturang inisyatibo na layong suriin ang kahandaan ng naturang barko bago tuluyang lumayag pauwi ng Pilipinas sa Mayo.

Gaya ng MRRV-9701, ang MRRV-9702 na kikilalanin bilang BRP Melchora Aquino ay mayroong maximum speed na hindi bababa sa 24 knots at endurance na di bababa sa 4,000 nautical miles.

May kakayanan din itong magsagawa ng pang-matagalang pagpapatrolya sa West Philippine Sea (WPS), Philippine Rise, at iba pang bahagi ng Exclusive Economic Zone (EEZ) ng Pilipinas.

Pebrero 26, ngayong taon nang dumating sa bansa ang MRRV-9701 na kikilalanin bilang BRP Teresa Magbanua.

BASAHIN: Pinakamalaking barko ng coast guard, nakarating na sa bansa

Follow SMNI NEWS in Twitter