INILUNSAD ang ikalawang 97-meter multi-role response vessel (MRRV) na binili ng Department of Transportation (DOTr) para sa Philippine Coast Guard (PCG) ngayong araw.
Isinagawa ito sa Shimonoseki Shipyard ng Mitsubishi Shipbuilding Co. Ltd. sa bansang Japan.
Itoy sa ilalim ng Maritime Safety Capability Improvement Project Phase II (MSCIP Phase 2).
Kapag dumating na ito sa bansa, ang dalawang MRRV ang pinakamalaking maritime vessel ng Philippine Coast Guard.
Ayon sa ahensiya, makatutulong ang MRRV sa maritime security at maritime safety capabilities lalo na sa maritime patrols sa mga teritoryo ng bansa, kabilang ang West Philippine Sea at Benham Rise.
Special Feature of MRRV
- Measures 97 METERS
- Maximum speed of not less than 24 knots
- Endurance of not less than 4,000 nautical miles
Capabilities:
- Sustained maritime patrols
- Maritime search and rescue
- Maritime law enforcement
- Humanitarian assistance and disaster response operations
Mapapalakas din nito ang maritime search and rescue, maritime law enforcement, at maging ang humanitarian assistance at disaster response operations ng PCG.
Inaasahang darating sa Maynila ang unang 97-meter MRRV sa Marso 2022, habang ang ikalawang barko ay darating sa Mayo 2022.
Hulyo 2021 nang una na ring inilunsad sa Japan ang unang 97-meter MRRV ng PCG at inaasahang darating ito sa Marso 2022 at ang pangalawa naman ay Mayo 2022.
Ang MSCIP Phase 2 ay isang Japanese-assisted project na pinondohan mula sa Official Development Assistance (ODA) Loan mula sa Japan International Cooperation Agency (JICA) na nagkakahalaga ng JPY 16.5 billion o katumbas ng P7 bilyon.
Para kay Transportation Secretary Art Tugade, ang nasabing modernisasyon ng Pilippine Coast Guard naging malaking bahagi dito ang pamahalaan ng Japan upang mapabilis ang pagbili at konstruksiyon ng dalawang malalaking barko para sa tuluy-tuloy na maritime capability ng bansa.
“The modernization of Philippine Coast Guard has been going fast and quick and very meaningful. In fact, in this effort to make it quick, fast, and very meaningful, the government of Japan has contributed very much. And to which I express my appreciation for your continued support,” pahayag ni Tugade.
Disyembre 2019 nang lagdaan ng Department of Transportation at Mitsubishi Shipbuilding Co. Ltd. ang kontrata ng konstruksiyon at delivery ng 97 MRRV.
BASAHIN: 600 na recruits, sumabak sa Coast Guard training sa Zamboanga