Ikalawang DQ case vs. Erwin Tulfo, binasura ng COMELEC 1st Division

Ikalawang DQ case vs. Erwin Tulfo, binasura ng COMELEC 1st Division

BINASURA na rin ng Commission on Elections (COMELEC) 1st Division ang ikalawang disqualification case laban kay Erwin Tulfo na kumakandidato sa pagkasenador ngayong midterm elections.

Batay sa kopya ng desisyon ng dibisyon, hindi nakapagsumite ang petisyuner ng Proof of Service o Affidavit of Service na magpapatunay na natanggap ng respondent ang kopya ng petisyon.

Aniya, isa itong mahalagang mandatory requirement na bigong masunod ng petisyuner at naging dahilan para agad na ibasura ang petisyon.

Matatandaan na noong nakaraang buwan lang isinampa sa COMELEC ang naturang DQ case dahil sa isyu ng moral turpitude kay Erwin Tulfo matapos itong ma-convict sa apat na counts ng libel noong 2008.

Kinukuwestiyon din ang kaniyang citizenship, kwalipikasyon, at ang pagiging bahagi nito sa political dynasty na labag umano sa batas.

Matatandaan na una na ring binasura ng COMELEC 1st division ang naunang petisyon para idiskwalipika si Tulfo at ang iba pang mga kamag-anak nito dahil sa isyu ng citizenship at political dynasty.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter