Ikalawang pagdinig para sa preliminary investigation sa hit and run case sa Mandaluyong, ipagpapatuloy ngayong araw

Ikalawang pagdinig para sa preliminary investigation sa hit and run case sa Mandaluyong, ipagpapatuloy ngayong araw

IPAGPAPATULOY ngayong araw ang ikalawang pagdinig para sa preliminary investigation sa hit and run case sa Mandaluyong City.

Unang dumating sa City Prosecutor’s Office si Atty. Federico Biolena, ang legal counsel ng security guard na si Christian Floralde.

Hindi naman aniya makakadalo sa pagdinig si Floralde dahil masamaang pakiramdam.

Dumating din sa City Prosecutor Office si Jose Antonio San Vicente, ang SUV driver

Nasangkot sa insidente para maghain ng kanyang counter affidavit para sa kasong frustrated murder at abandonment of one’s victim na kanyang kinakaharap.

Ito ang unang public appearance ni San Vicente simulan ang sumuko ito sa PNP headquarters sa Camp Crame noong Hunyo 15.

BASAHIN:

PNP OIC Gen. Danao, hindi muna haharap sa media matapos mabatikos sa pagsuko ng SUV driver sa insidente sa Mandaluyong

Kasong isinampa sa nakasagasang SUV driver, itutuloy kahit pinatawad na ng security guard

 

Follow SMNI News on Twitter