Ikalimang SONA ni Pang. Duterte generally peaceful at orderly —PNP

Ikalimang SONA ni Pang. Duterte generally peaceful at orderly —PNP

WoodProfit

GENERALLY peaceful at orderly ang kabuuang sitwasyon ng buong bansa ngayong araw ng Ikalimang SONA ni Pangulong Rodrigo Duterte batay sa huling update, ala una ng hapon.

 

Ito ang kinumpirma ni PNP spokesperson Police Brigadier General Bernard Banac sa panayam ng SMNI News.

gamebank

 

“Wala namang major untoward incident na naganap at naging maayos, mapayapa ang pagdaraos ng mga ibat-ibang kilos-protesta di lang dito sa Kalakhang Maynila partikularly ang UP Campus kundi ganun na rin sa ibang regions,” ani Banac.

 

Pinuri naman ni Banac ang naging kooperasyon ng mga raliyista sa gitna ng pandemya dahil agad naman itong nagsiuwian at di na nagtagal pa sa ginawang kilos-protesta.

 

“Wala naman tayong na-monitor na mga nagtitipon-tipon na grupo na posibleng magkaroon ng lightning rallies at tayo naman ay umaasa na sila mismo ay tinugunan o tinupad nila ang kanilang mga naging commitment dito na maging safe ang mga pagtitipon-tipon kanina at nakita natin na peacefully sila naman ay nagsipag-uwian na. So, napakagandang ipinakita ito ng mga protestors,” dagdag ni Banac.

 

Bagama’t may naaresto, ito’y dahil aniya sa paglabag ng panuntunan ng community quarantine gaya ng maximum capacity sa sasakyan at paggamit ng PUVs at jeepneys na hindi pa rin pinahihintulutan na bumiyahe.

 

SMNI NEWS

 

 

 

 

Genius Dog 336 x 280 - Animated

Leave a Reply

Your email address will not be published.