DINAGSA ng mga mamimili ang ikatlong araw ng pagbebenta ng BBM Sugar sa Sugar Regulatory Administration (SRA) office sa Quezon City.
Mula sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila ang dumayo upang makabili ng P70 na refined sugar.
Ayon kay Narciso Cabalquinto, Officer-in-Charge ng Administrative Division ng SRA, higit 17 bags na ng puting asukal ang nabenta simula pa nitong Lunes.
Nasa kabuuang 410 bags noong Biyernes ang binagsak sa SRA office upang ibenta sa pinakamurang halaga.
Aabot sa higit P1.4 milyon ang inaasahang kikitain sa oras maibenta ang 410 bags ng asukal na puti.