NAKATAKDANG dumating sa Pilipinas ang ikatlong batch ng mga Pilipino mula sa Israel ngayong araw, Oktubre 23.
Ayon sa Overseas Workers Welfare Association (OWWA), tinatayang nasa 25 Pilipino ang uuwi na binubuo ng 17 caregivers at walong hotel workers.
Matatandaan na umabot na sa kabuuang 34 na Pilipino ang nakauwi na sa bansa sa naunang dalawang batch.
Nauna nang dumating ang 16 na mga Pilipino noong Oktubre 18 at habang nasa 20 naman ang nakauwi noong Oktubre 20.
Sa ngayon, nasa apat na Pilipino na ang kumpirmadong nasawi sa digmaan sa pagitan ng Israel at militanteng grupong Hamas ng Palestine.