Ikatlong navigational lantern sa Mahatao Shelter Port, Batanes, naikabit na ng PCG

Ikatlong navigational lantern sa Mahatao Shelter Port, Batanes, naikabit na ng PCG

NAIKABIT na ng Philippine Coast Guard (PCG) ang ikatlong navigational lantern sa Mahatao Shelter Port, Batanes.

Ayon sa PCG, Disyembre 1, 2022 nang maikabit ang navigation lantern.

Sinabi ng Maritime Safety Services Unit (MSSU) na malaking tulong ang Mahatao Lighthouse sa pagsisigurong ligtas ang mga bangka at barko na nag-te-take shelter sa isla tuwing masama ang panahon at malakas ang alon.

Matatandaang ikinabit ang unang navigational lantern sa Sabtang, Batanes noong Nobyembre 28 habang ang ikalawang navigational lantern ay naikabit na rin sa Valanga Lighthouse na matatagpuan sa Itbayat, Batanes.