Ikatlong resulta ng fingerprint examination ng NBI, hindi tugma kay suspended Mayor Alice Guo

Ikatlong resulta ng fingerprint examination ng NBI, hindi tugma kay suspended Mayor Alice Guo

HAWAK na ngayon ng National Bureau of Investigation (NBI) ang resulta ng ikatlong set ng fingerprint card impression ng umano’y Alice Leal Guo na kumuha ng NBI clearance noong 2005.

Sa press conference, sinabi ni NBI Director Jaime Santiago hindi nagtugma ang fingerprint card ni suspended Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo sa isa pang Alice Leal Guo na may kaparehong pangalan at birthday.

Sa NBI clearance noong 2005, ibang mukha ng nagngangalang Alice Leal Guo ang nakatira sa 138 Kalantiaw Street, Project 8 sa Quezon City.

Pero, ayon sa ahenteng si Julius Riodique ng Organize and Transnational Division ng NBI peke ang ibinigay na address ng Alice Leal Guo dahil walang Kalantiaw Street sa naturang barangay.

‘’Noong vinerify namin ang nakatira doon ay isang taong nagngangalang Perry Publiko at Josefina Publiko and nung when we ask a certain Alice Leal Guo na has resided before or currently residing their ang sagot nila ay hindi nila kilala ang taong ito. When we ask Mr. Perry Publico kung talagang nakatira siya doon sabi niya nakatira siya doon since pagpanganak niya. So very positive siya na walang Alice Leo Guo na nakatira doon,’’ ayon kay Julius Riodique Agent, Organize and Transnational Division, NBI.

Inaalam na ngayon ng NBI ang pakay ng kumuha ng NBI clearance na nagpakilalang Alice Leal Guo.

Dahil kung maalala, una na ring kinumpirma ng NBI na tugma ang fingerprint card ng Hua Ping Lin Guo na may alien certificate of registration noong 2006 at Alice Leal Guo na kumuha ng NBI clearance noong March 10, 2021.

‘’Maaaring may nag-instruction sa kanya na kumuha ka ng clearance gamitin mo ito Alice Guo born on July 12 1986 at ipinanganak ka sa Tarlac. Bayaran kita ng P20,000 kuha ka, ikaw bayaran kita ngayon kumuha ka Jaime Santiago born on peke ‘yun tapos may ID kang peke rin, bibigyan ka ng clearance,’’ saad ni Dir. Jaime Bautista Chief, NBI.

Halimbawa ang tunay na pangalan niya ay Marites Santiago at kumuha siya ng clearance and it so happen na naicompare natin dito tapos itsura niya. Huhulihi namin siya, why in 2005 you ask for clearance under the name of Alice Guo. Anong pakay mo? Iquestion na siya ng clearance namin.

Sa ngayon, paiigtingin pa ng NBI ang paghahanap sa umano’y Alice Leal Guo na nakatira sa Quezon City.

Kinukonsidera rin ng NBI ang pagbibigay ng pabuya gamit ang kanilang confidential funds para sa makapagtuturo sa kinaroroonan ng gumamit ng pangalang Alice Leal Guo.

Sa ngayon, maituturing na umanong case closed ang kaso ng isang Alice Leal Guo na kapangalan at ka-birthday pa ni suspended Mayor Alice Guo.

Nakatakdang ipresenta ng NBI sa susunod na pagdinig ng Senado sa July 10 ang resulta ng panibagong fingerprint.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble