“Ikaw Pa Rin” album ni Darren Espanto sa Hulyo 4 na matutunghayan

“Ikaw Pa Rin” album ni Darren Espanto sa Hulyo 4 na matutunghayan

NAKATAKDA nang ilabas sa Hulyo 4, 2025 ang album ni Darren Espanto na pinamagatang “Ikaw Pa Rin”.

Ang album ay bilang pagdiriwang ng kaniyang ika-11 taon sa industriya ng musika sa Pilipinas.

Ang “Ikaw Pa Rin” ay magkakaroon ng 13 kanta kabilang na ang naunang inilabas na mga single na “Bibitaw Na”, “Hanggang Kailan”, “Iyo”, “Miss”, at “Paalam Muna Sandali”.

Ito na rin ang unang full album ni Darren mula pa noong taong 2017 sa “D’s Christmas” at sa deluxe edition ng “Be With Me”.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble