WALANG epekto ang ilalabas na desisyon ng International Criminal Court (ICC) sa war on drugs ayon sa Department of Justice (DOJ).
Kumpiyansa at hindi nababahala ang DOJ sa magiging desisyon ng ICC kaugnay sa apela ng Pilipinas na huwag ituloy ang imbestigasyon sa war on drugs ng dating Duterte administration.
Batay sa abiso ay ngayong araw ilalabas ng ICC ang ruling sa apela ng gobyerno ng Pilipinas laban sa drug war campaign.
Ipinaliwanag ni Justice Secretary Crispin Remulla na wala kasing epekto sa bansa anuman ang maging ruling ng ICC at hindi nila ito maipatutupad sa Pilpinas dahil hindi na miyembro ng ICC ang bansa.
Iginiit ng kalihim na ang apela na inihain ng Pilipinas ay bilang pakikisama lamang o paggalang sa ICC kahit kumalas na ang Pilipinas sa organisasyon.