Ilan pang Pinoy gymnasts, target na makakuha ng spot sa Paris Olympics

Ilan pang Pinoy gymnasts, target na makakuha ng spot sa Paris Olympics

TARGET ngayon ng mga gymnasts na sina Emma Malabuyo at Levi Jung-Ruivivar na manalo sa 2024 Artistic Gymnastics World Cup sa Doha, Qatar na mag-uumpisa ngayong Miyerkules, April 17.

Ito ay para makakuha ng spot sa Paris Olympics na gaganapin ngayong taon.

Sa kasalukuyan, nasa ikalawang pwesto si Malabuyo sa Fig World Cup Series habang ang Fil-Am na si Ruivivar ay gagawin ang kanyang makakaya upang makakuha ng spot.

Sakali namang bigong mag-qualify ang dalawa sa Doha edition, ay may tyansa pa ang mga ito sa Asian championships na isasagawa sa susunod na buwan sa Tashkent, Uzbekistan.

Maliban sa dalawa, sasabak rin sa naturang tournament si Carlos Yulo na sigurado na ang olympic spot.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter