Ilan sa mga proyekto ng OFW Party-list sa Batangas, binuksan na

Ilan sa mga proyekto ng OFW Party-list sa Batangas, binuksan na

PINANGUNAHAN ni OFW Party-list Representative Marissa “Del Mar” Magsino ang pagbubukas ng ilan sa mga proyekto nito sa probinsiya ng Batangas, ngayong araw, Setyembre 1, 2023.

Nasa kabuuang 30 proyekto ang inilaan ng OFW Party-list sa probinsiya ng Batangas.

Kabilang na rito ang Multi-Purpose Building ng Brgy. Baclas, Calaca, Brgy. Langgangan Balayan, at ang Farm to Market Road sa Brgy. Tanggoy, Balayan, Batangas.

Ayon din sa kongresista, hindi lamang sa mga kababayang Pinoy na nasa abroad ang tinutulungan ng OFW Party-list kundi tumutulong din ang opisina nito sa iba pang mga kababayan sa Pilipinas na may nangangailangan ng tulong.

Naging posible ang proyektong ito sa pakikipag-ugnayan na rin kay 1st District Representative Eric Buhain at sa maybahay nitong si Congwoman Eileen Ermita-Buhain.

Unang distrito sa Batangas nakahanda na sa pananalasa ng Bagyong Hanna

Samantala, tiniyak din ni Cong. Eric Buhain ang ginagawang paghahanda sa pananalasa ng Bagyong Hanna.

Aniya ang unang distrito ng Batangas ay pinakamalaking distrito sa naturang probinsiya na aabot sa mahigit 280 barangay.

Aminado rin si Buhain na isa ito sa kanilang hinaharap na hamon ngayon dahil hindi pa tapos ang ilan sa mga proyekto na kailangan sa panahon ng bagyo.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter