NANANATILI pa rin sa evacuation centers ang ilang apektado ng pag-ulan dulot ng shear line.
Batay sa datos ng National Disaster Risk Reduction & Management Council (NDRRMC) ngayong Biyernes, Enero 6, 4,711 pamilya o 16,300 indibidwal ang nananatili sa 100 evacuation centers mula sa Mimaropa, Region 6, Region 10, Region 11 at Caraga.
Habang piniling tumuloy ng 10,909 pamilya o 40,918 indibidwal sa kanilang mga kaanak o kaibigan.
Sa kabuoan, 170,970 pamilya o 681,492 indibidwal ang naapektuhan ng pag-ulan sa iba’t ibang rehiyon sa bansa.
Nananatili naman sa 52 ang naiulat na nasawi pero sa nasabing bilang ay 13 ang naberipika ng mga awtoridad.