Ilang aspeto, ikonsidera para maging kwalipikado ang vloggers at bloggers na mag-cover sa SONA ni PBBM

Ilang aspeto, ikonsidera para maging kwalipikado ang vloggers at bloggers na mag-cover sa SONA ni PBBM

MARAMING aspeto ang dapat silipin para makasama ang isang vloggers o bloggers sa coverage ng magiging State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. ngayong taon.

Ilan sa ipinunto na aspeto ni Kabayan Party- list Rep. Ron Salo sa panayam ng SMNI News na silipin kung ano nga ba ang content nito, ilan na ang kanilang followers at ano ang kredibilidad nila.

Ang pahayag na ito ng mambabatas ay kasunod sa balitang makakasama sa coverage ng SONA ang vloggers.

Aniya, bagamat aprubado para sa kaniya ang hakbang, dapat may pamantayan pa rin na susundin.

Nilinaw naman ni Salo na walang problema batay sa kaniyang opinyon kung makakasama ang vloggers at bloggers sa pagkuha ng interviews sa hallways.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter